^

Metro

Fire safety permit ng Glorietta 2 kinansela

-

Kinansela  na ng Bu­reau of Fire Protection (BFP) ang Fire Safety Ins­pection Certificate (FSIC) ng Glorietta 2 sa Makati City dahil sa panganib na dulot nito ngayon sa publiko.

Opisyal na kinansela ni BFP-National Capital Re­gion director, Sr. Supt. Ruben Bearis ang FSIC nito kamakalawa ng tang­hali. Nabatid na mag­ta­tapos pa sana ang permit sa Hulyo 27, 2008 ngunit napuwersa ang BFP na kanselahin na ito dahil sa naganap na pagsabog dito noong nakaraang taon. 

Nagpadala rin ng kopya ng kautusan at kanse­lasyon ng FSIC si Bearis sa Makati Super­market Cor­po­ration at Office of the Building Official ng Makati City kung saan ipinapaliwa­nag na kailangan ito upang hindi na malagay sa pa­nganib ang publiko sa hinaharap.

Sa ginawa nilang ins­peksyon sa Glorietta 2, iginiit ni Bearis na may “im­minent danger” na sa istruktura nito dahil sa impact ng pagsabog, par­tikular sa mga lugar na napuruhan.

Inaasahan naman ni Bearis na sumunod sa ipi­nalabas na kanselas­yon ng FSIC ang pamu­nu­an ng Ayala Land na siyang operator ng Glorietta at magsagawa pa ng dag­dag na aksyon upang ma­ging ligtas ang ka­nilang mga parukyano sa ka­ tabing Glorietta 1, 3 at 4 na bukas pa sa publiko.

“Parang operate at your own risk ang mang­yayari diyan, at sa mga tao, shop at your own risk,” ayon kay Bearis. (Danilo Garcia)

AYALA LAND

BEARIS

DANILO GARCIA

FIRE PROTECTION

FIRE SAFETY INS

GLORIETTA

MAKATI CITY

MAKATI SUPER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with