Milyonarya nilooban saka pinatay

Pinagsasaksak hang­gang sa mapatay ang isang milyonaryang ginang   at pagkatapos ay pagna­ka­wan ng may P1.5 milyong cash sa loob ng kanyang marangyang condominium sa San Miguel, Manila ka­hapon ng umaga.

Nakilala ang  biktimang millionaire na si Dorotea Ta­nongon, ng Room 101 Case de Aviles Condo­minium sa 1738 Concep­cion Aguila St., San Miguel, Manila na  dead-on-arrival sa University of the East Memorial Hospital sanhi ng tinamong  apat na saksak sa kanyang leeg.

Inimbitahan naman ng pulisya si  Romy Ababon, 33, tubong Barangay Mam­biya, Surigao del Sur, house­boy ng biktima, upang mag­bigay liwanag sa pag­kamatay ng biktima.

Sa report ni Det. Steve Casimiro ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-9:30 ng umaga nang matag­puan ng kanyang anak na si  Rodney, 31, na  tadtad ng saksak ang kanyang ina sa loob ng  kuwarto nito sa  Room 101 Case de Aviles Condominium 

Nauna dito, dakong 9:00 ng umaga nang ma­gising si Rodney at pag­daan niya sa kuwarto ng ina ay nakita nitong bukas ang pinto sa kuwarto  kaya sinilip niya ito at tumambad nga ang duguan niyang ina na tadtad ng saksak sa leeg. Nagkalat din ang mga kagamitan sa loob ng kuwarto.

Sa imbestigasyon ng pulisya, apat na saksak ang ibinaon sa leeg ng  bik­tima at hinala rin na nan­la­ban muna ito dahil sa sak­sak sa kanyang kanang kamay na  halos maputol ito.

Nakuha sa pinangyari­han ng insidente ang isang 12 pulgada na patalim na hinihinalang ginamit sa pagpatay.

Ikinatuwiran naman  ni Ababon na  inutusan uma­no siya ng kanyang amo na bumili ng alimasag sa Farmers Market sa Cubao Quezon City dakong 5:00 ng umaga at bumalik ito ng alas-10 ng umaga at na­laman na lamang nito na nasa ospital na ang bik­tima. Ayon kay Rodney, nawa­wala ang tinatayang P1.5 milyon cash ng kan­yang ina at wallet na may laman na P20,000 cash.

Dagdag pa ni Rodney na bukod sa kanya at ang kanyang ina ay may sarili ring susi si Ababon sa kanilang bahay.

Si Ababon ay 22 taon nang nanunungkulan bi­lang houseboy sa pa­milya Tanongon.

Nabatid na ang biktima ay nagmamay-ari ng ilang condominium units, par­lors, garment factory, tat­long barges, mga sasak­yan at may ari-arian din umano sa  bansang Australia.

Isang masusing imbes­ti­gasyon pa rin ang isina­sa­gawa ng pulisya ukol dito.

Show comments