Milyonarya nilooban saka pinatay
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang milyonaryang ginang at pagkatapos ay pagnakawan ng may P1.5 milyong cash sa loob ng kanyang marangyang condominium sa San Miguel,
Nakilala ang biktimang millionaire na si Dorotea Tanongon, ng Room 101 Case de Aviles Condominium sa 1738 Concepcion Aguila St., San Miguel, Manila na dead-on-arrival sa University of the East Memorial Hospital sanhi ng tinamong apat na saksak sa kanyang leeg.
Inimbitahan naman ng pulisya si Romy Ababon, 33, tubong Barangay Mambiya, Surigao del Sur, houseboy ng biktima, upang magbigay liwanag sa pagkamatay ng biktima.
Sa report ni Det. Steve Casimiro ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-9:30 ng umaga nang matagpuan ng kanyang anak na si Rodney, 31, na tadtad ng saksak ang kanyang ina sa loob ng kuwarto nito sa Room 101 Case de Aviles Condominium
Nauna dito, dakong
Sa imbestigasyon ng pulisya, apat na saksak ang ibinaon sa leeg ng biktima at hinala rin na nanlaban muna ito dahil sa saksak sa kanyang kanang kamay na halos maputol ito.
Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang 12 pulgada na patalim na hinihinalang ginamit sa pagpatay.
Ikinatuwiran naman ni Ababon na inutusan umano siya ng kanyang amo na bumili ng alimasag sa Farmers Market sa Cubao Quezon City dakong 5:00 ng umaga at bumalik ito ng alas-10 ng umaga at nalaman na lamang nito na nasa ospital na ang biktima. Ayon kay Rodney, nawawala ang tinatayang P1.5 milyon cash ng kanyang ina at wallet na may laman na P20,000 cash.
Dagdag pa ni Rodney na bukod sa kanya at ang kanyang ina ay may sarili ring susi si Ababon sa kanilang bahay.
Si Ababon ay 22 taon nang nanunungkulan bilang houseboy sa pamilya Tanongon.
Nabatid na ang biktima ay nagmamay-ari ng ilang condominium units, parlors, garment factory, tatlong barges, mga sasakyan at may ari-arian din umano sa bansang
Isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ng pulisya ukol dito.
- Latest
- Trending