^

Metro

52,000 pulis, jailguards pinarangalan

-

Higit sa 52,000 mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang nakatanggap ng parangal buhat sa Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa katangi-tanging serbisyong ipina­gkaloob ng mga ito sa publiko nitong nakaraang taong 2007.

Sa ulat ng DILG, ang ka­buuang bilang ay uma­bot sa 52,069 na mga pulis at jailguards habang 339 pa buhat sa BJMP ang kinilala dahil sa magan­dang serbisyo.

Umaabot rin sa 18,073 pulis ang muling pinag-aral ng DILG sa iba’t ibang degree at mga mandatory na mga kurso upang maitaas ang antas ng propesyu­nalismo sa kapulisan. Nasa 680 tauhan rin ng Bureau of Fire Protection ang isi­na­ ilalim sa espesyal na kurso.

Pinabilis rin ng DILG ang pagdinig sa mga kaso ng mga inirereklamong “scalawags” na pulis kung saan 1,108 kasong admi­nistratibo laban sa 436 na pulis ang naresolba na habang 2,858 pang kasong ang kasalu­ kuyang dini­dinig.  Kaugnay nito, nasa 434 pulis ang isi­nailalim sa re-training para sa kanilang ugali sa PNP Reformatory School sa Subic Bay, Pampanga.

Ipinagmalaki rin ng ahen­sya ang pagtanggap ng dagdag na 6,500 police recruits upang mapalakas ang puwersa ng kapulisan sa buong taong 2007. (Danilo Garcia)

BUREAU OF FIRE PROTECTION

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

DANILO GARCIA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REFORMATORY SCHOOL

SHY

SUBIC BAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with