^

Metro

Leviste naging emosyonal sa pagharap sa korte

-

Naging emosyonal si dating Batangas Governor Antonio Leviste kung saan ay umiyak pa ito habang nagbibigay ng kanyang tes­timonya sa isinagawang pagdinig kahapon ng uma­ga sa kinakaharap nitong murder case sa Makati Re­gional Trial Court.

Luhaang sinabi ni ­Leviste sa korte na sana siya na lamang umano ang napa­tay o namatay sa nasabing insidente dahil hindi hamak na pagdurusa umano ang kinakaharap ngayon ng kanyang pamilya dahil dito.

Umiiyak rin na isina­laysay ni Leviste ang nang­yari at kung paano niya napatay noong Enero 12, 2007 ang matalik nitong kaibigan na si Rafael delas Alas.

Inamin naman ni Le­viste sa korte na may ilang beses niyang pinagbabaril si delas Alas hanggang sa mapatay ito.

Ayon pa kay Leviste na nagawa lamang umano niyang pagbabarilin si delas Alas upang depensa­han ang kanyang sarili nang makita nito na bu­bunot na ng kanyang baril ang huli para barilin siya.

Isinalaysay pa ni Le­viste na nag-ugat umano ang pamamaslang maka­raan ang mainitang argu­mento sa pagitan niya at ni delas Alas.

Nag-ugat umano ang alitan mula nang ipagpili­tan ni delas Alas kay Le­viste na bigyan ng huli ang una ng P50,000 kada-buwan mula January 2007 hanggang August 2008 bilang sus­tento sa umano’y dala­wang “babae” ng biktima.

Nang gabing bago ma­patay umano ni Leviste si delas Alas ay unang mas naging mainit ang argu­mento sa pagitan nila nang ipagpilitan umano ng huli na taasan sa P1 milyon ang unang hinihingi nitong P50,000. (Rose Tamayo-Tesoro)

BATANGAS GOVERNOR ANTONIO LEVISTE

LEVISTE

MAKATI RE

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with