Ex-military, pulis tugis sa Land Bank holdap
Tinututukan ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang sindikato na binubuo ng mga dating sundalo at pulis na siyang nanloob ng Land Bank of the
Sinabi ni QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit deputy chief, Supt. Marcelino Pedrozo, posibleng ang grupong “Ampang Colangco group” ang may kagagawan ng panloloob sa Land Bank sa West Avenue. Ito rin umano ang responsable sa naganap na panghoholdap sa United Coconut Planters Bank noong nakaraang taon.
Ang naturang grupo umano ay binubuo ng mga dating sundalo at na-dismiss na mga pulis buhat sa ibang grupo sa Northern Tagalog at
Sa CCTV video footage na nakuha ng bangko sa mga holdaper, lumalabas na pareho rin umano ang estilo ng grupo na binubuo ng 15 miyembro, may suot na itim na bonnet at matataas na kalibre ng mahahabang baril, habang isang babae rin ang kasama ng mga ito sa operasyon. Pareho rin na malaki ang bilang ng mga holdaper na kayang makipagsabayan sa puwersa ng pulis sa engkuwentro kung magigipit ang mga ito. Isa pang video footage na nakunan ng isang dayuhan sa labas ng bangko ang pinag-aaralan ngayon ng QCPD. Pinag-aaralan rin nina Pedrozo ang mga narekober na sasakyan na Tamaraw FX at Toyota Corolla na malinis naman umano ang papeles sa Land Transportation Office (LTO).
Nabatid naman na higit sa P100,000 salapi ang natangay ng mga holdaper habang patuloy pa rin sa pagiging tahimik ng bangko kung natangay o hindi ng mga suspek ang laman ng kanilang kaha de yero.
Mistulang inamin rin nito na nasalisihan sila ng mga holdaper nang isagawa ng mga ito ang panghoholdap habang abala ang puwersa ng pulisya sa pagbibigay seguridad sa mga militanteng magsasaka sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform at rally sa Mendiola.
- Latest
- Trending