^

Metro

Sekyu todas sa sariling baril

-

Isang security guard ang napatay sa pamamagitan ng kanyang sariling baril ng hindi kilalang suspek kama­kalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila. Nakilala ang biktima na si Joel Eloria, 25, binata, security guard at naninirahan sa No.26 Policarpio st., San Jose, Navotas City. 

Habang pinaghahanap pa ang di kilalang suspek na inilarawang may taas na 5’5’’ hanggang 5’6’’ at may katamtamang pangangatawan. 

Nabatid sa report na ang insidente ay naganap  dakong alas-8:20 ng gabi sa bina­bantayang puwesto nito sa Emerald Circle sa kahabaan ng Rizal Avenue sa panulukan ng P. Paterno St., Sta. Cruz, Maynila. 

Nakaupo umano ang biktima nang biglang lapitan ng suspect at inagaw ang baril ng una. Ang biktima ay nakaupo lamang umano sa isang monoblock chair at maya-maya pa ay bigla na lamang umanong lumitaw ang suspek at inagaw ang baril ng biktima.

Nakipag-agawan naman ang sekyu ngunit nang tuluyang makuha ng suspect ang baril ay agad itong pinaputukan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Mabilis na tumakas ang suspect matapos ang insidente. Bago ito, napag-alaman na ang nakaalitang vendor ng biktima ay ang suspect na nakilala lamang sa alyas na “Alisi”. Patuloy pa rin ang isina­sagawang imbestigasyon sa kaso. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

CRUZ

EMERALD CIRCLE

JOEL ELORIA

MAYNILA

PATERNO ST.

RIZAL AVENUE

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with