^

Metro

84 establisimento ‘fire hazard’

-

Umaabot  sa 84 na establisi­miyento ang nanganganib na pa­tawan ng mabigat na kaparu­sahan ng Bureau of Fire Pro­tection (BFP) dahil sa patuloy na paglabag sa Fire Safety Code.

Sa nakalap na datos kay BFP National Capital Region chief, Sr. Supt. Ruben Bearis, ka­bilang sa mga establisimi­yento ang mga kilalang shop­ping malls, paaralan at mga gusali base sa ulat na ipinadala sa kanya ng kanyang mga station commanders sa 13 lung­sod at munisipalidad ng Kalak­hang Maynila nitong Enero 10.

Nangunguna na may pina­ka­maraming paglabag ang lungsod ng Maynila na may 58 establisimiyento na kinabibila­ngan ng 12 paaralan, boarding house at mga kantina. 

Sumusunod rito ang Para­ña­que City na may 8 establisimi­yentong lumalabag kabilang ang isang shopping center; Mandalu­ yong City na may lima; Pasay City na may 4; tatlo sa Ca­loocan City kasama ang isang mall; dalawa sa Las Piñas City at tig-iisang establisimi­yento sa lung­sod ng San Juan, Makati, Mun­tinlupa, Malabon at Navotas.  Igi­niit naman ng Pasig City Fire Department na walang establi­simiyento na lumalabag sa Fire Safety Code sa kanilang lugar.

Hindi pa naman nagsusu­mite ng kanilang ulat ang kan­yang mga station commanders sa Quezon City, Valenzuela, Marikina at Taguig City.  Inaasa­han naman ng BFP na aakyat ang naturang bilang sa oras na magpadala na ng ulat ang naturang mga fire departments.

Kabilang sa paglabag ng naturang mga establisimiyento ay ang kawalan ng firefighting first aid; emergency light at battery; walang automatic sprinkler system   at kawalan ng mga fire exits. (Danilo Garcia)

BUREAU OF FIRE PRO

CITY

DANILO GARCIA

FIRE SAFETY CODE

LAS PI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with