^

Metro

4 pulis-Maynila inireklamo ng ‘kotong’

-

Apat na pulis-Maynila ang nahaharap  ngayon sa kasong robbery extortion at planting of evidence mata­pos na magreklamo  ang asawa ng kanilang inaresto   na umano’y hiningan nila ng P30,000 kapalit ng pag­papa­baba sa kaso sa Sam­paloc, Maynila, iniulat kahapon.

Personal na dumulog kahapon sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-General Assign­ment Section (GAS) si Ruby Cruz, 52, ng 652 Ca­la­bash Road, Sampaloc, Maynila upang ireklamo sina PO3 Segundino; PO2’s Margarito Dequito; Roland Rivera at PO1 Jonathan Sosongco. pa­wang nakatalaga sa Sta­tion Anti-Illegal Drugs (SAID) ng Station 4 (Sampaloc).

Base sa sumbong, na­ganap ang insidente da­kong alas-6:30 ng gabi noong Enero 13 at Enero 15, 2008 sa bahay ni Ruby.

Nauna rito, unang ina­resto ng mga nabanggit na pulis dakong 6:30 ng gabi  si Isagani Cruz, asawa ni Ruby dahil sa umanoy pagtutulak ng droga at nakatakdang sampahan ito sa paglabag ng Section 5 ng Art 6425 (Drug Pushing) na walang bail.

Matapos ang dalawang araw bago sampahan ng kaso si Isagani, nilapitan umano si Ruby ng isang dating pulis na si Ronaldo Hipolito na ibababa umano nila ang kaso kung magba­bayad si Ruby ng P100,000 subalit nagkatawaran hang­gang sa nagkasundo sa P30,000.

Ngunit, P20,000 la­mang ang ibinibigay ng bik­tima dahilan upang tulu­yang sinampahan ng kasong drug pushing si Isagani.

Nagreklamo naman si Ruby sa MPD-GAS dahil sa umano’y “pagtatanim” ng ebidensiya nang ares­tuhin ang kanyang asawa at pangingikil upang mapa­baba ang kaso. (Grace dela Cruz)

DRUG PUSHING

ENERO

GENERAL ASSIGN

ISAGANI

ISAGANI CRUZ

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with