^

Metro

Ex-convict tiklo sa panghoholdap

-

Isang ex-convict na miyem­bro ng “Sigue-Sigue Sputnik” gang ang bumagsak sa kala­ boso  makaraang dakpin ng pu­lisya dahil sa panunutok ng patalim at nangikil sa tatlong sibilyan sa bahagi ng L. Rivera St., Sta. Cruz, Maynila kama­ka­lawa ng gabi.

Kasa­lukuyang iniimbestigahan sa MPD-Station 3 (Sta. Cruz) ang sus­pek na si Isabelo “Benny” Pulido, 29, ng #17731 Old Antipolo St., Sta. Cruz, Manila, matapos ireklamo nina Ralph Endrapa, 29, driver ng #9 Roxas St., Filinvest II Batasan Hills, Quezon City; anak nitong si Rudolph, 9; at Rosemarie Cladio, 36, vendor ng #1731 Old Antipolo St., Sta. Cruz. 

Sa ulat na isinumite kay  P/Supt Romulo Sapitula, hepe ng MPD-Station 3, naglalakad ang mga biktima nang hara­ngin at holdapin ng suspek.

Tu­manggi si Ralph sa kagus­tuhan ng suspek, subalit pi­nagbalingan namang tutukan ng patalim si Rudolph  kaya tumakbo ang mga ito sa bahay ni Cladio pero sinundan sila hanggang sa makatawag ng pansin sa ilang kapit­bahay ang nasabing komosyon na nagresulta sa pagkaka­aresto sa suspek. (Grace Amargo- Dela Cruz)

vuukle comment

BATASAN HILLS

CRUZ

DELA CRUZ

GRACE AMARGO

OLD ANTIPOLO ST.

QUEZON CITY

RALPH ENDRAPA

RIVERA ST.

ROSEMARIE CLADIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with