Dalaga tinodas ng manliligaw
Pinaniniwalaang matinding selos ang isa sa dahilan kaya napaslang ang isang 29-anyos na dalaga ng kanyang manliligaw sa Medina Compound sa Barangay Talon 4, Las Piñas City kamakalawa ng gabi.
Anim na tama ng patalim sa katawan at hindi na umabot pa ng buhay sa Las Piñas City Medical Center ang biktimang si Joy Pinero ng Block 2,
Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na kinilala lamang sa alyas na “Dodong” na agad tumakas matapos ang krimen.
Lumilitaw sa imbestigas yon nina PO3 Eduardo Rodaje II at PO3 Roland Abraham ng Criminal Investigation Division, naitala ang krimen dakong alas-7:15 ng gabi habang nagkukuwentuhan ang biktima at mga kaibigang sina Jeffrey Tijulan, Dennis Orcine at ilan pang mga kaibigan.
Napag-alamang nabigla ang ilang kaibigan ng biktima nang undayan ng saksak ng suspek ang dalaga saka mabilis na tumakas.
Agad namang isinugod nina Tijulan at Orcine ang biktima sa nabanggit na ospital subalit minalas na hindi na ito umabot pa ng buhay.
May teorya naman ang ilang kaibigan ng dalaga na nanibugho ang isa sa motibo ng pamamaslang dahil labis na atensiyon na ibinibigay nito sa kanila kaysa sa suspek.
- Latest
- Trending