Atleta ng QC sasanayin

Sasanayin ng Philip­pine’s 8-time Southeast Asian Games Judo gold medalist John Baylon  ang mga atleta ng Que­zon City para makasabak sa mga international competitions.

Ang interes ni Baylon na magsanay ng mga atleta ng lunsod ay  gi­nawa nang tanungin kung nais niyang magbigay kaalaman sa pamama­gitan ng pagsasanay sa mga may potential na sumunod sa kanyang yapak sa ilalim ng QC Sports Development Pro­gram.

Ang first class airman ng Phil Airforce na si Baylon  ay matagal nang residente ng lunsod at matagal nang nagsanay   ng Judoka sa Japan.   (Angie dela Cruz)

Show comments