^

Metro

Pamangkin ni Razon inambus

- Gemma Amargo-Garcia -

 Napatay ang isang 28-anyos na negos­yante samantalang na­sugatan naman ang umano’y pamangkin ni Philippine National Police Chief Avelino Razon Jr. nang  tamba­ngan ng tatlong arma­dong kalalakihan ka­ma­kalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Namatay habang  ginagamot sa Jose Re­yes Memorial Medical Center  sanhi ng mga tama ng bala sa kata­wan  ang biktimang si Joselito Jumahan ng 1225 A. Masinop St., Tondo samantalang gina­gamot din sa na­turang ospital si Ma­rinao Razon-Pangan, 32, isang overseas Fili­pino worker, ng 25 Ma­timyas St., Sampaloc.

Patuloy namang ina­alam ang pagkaki­lan­lan sa mga  arma­dong suspek na sakay sa isang motorsiklo na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Bandang alas-8 ng gabi nang pagbabarilin ang mga biktima sa harapan ng PC Boy Computer Sales Parts and Service sa panulu­kan ng Morayta at Claro M. Recto Sts. sa Sampaloc.

Sakay umano ang mga biktima sa isang Mit­subishi Lancer (PRR-930) patungong España pero pagsapit nila sa Morayta ay bi­nuntutan na sila ng tat­long suspek na sakay ng isang  motorsiklong walang plaka.

Bigla na lamang silang pinagbabaril ng isa sa mga suspek ha­bang nagsisilbing look-out naman ang dalawa sa mga ka­sama nito at nang ina­akalang patay na ang mga biktima ay mabilis na tumakas ang tatlo.

May hinala naman ang pulisya na mga pulis o militar ang mga suspek at pakay ng mga ito ang pamangkin ni Razon baga­man patuloy pa ring nagsa­sagawa ng ma­lalim na imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang tunay na motibo ng pamamaril.

BOY COMPUTER SALES PARTS AND SERVICE

CLARO M

JOSE RE

JOSELITO JUMAHAN

MASINOP ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with