^

Metro

Ex-LTO official dinakma ng NBI

-

Kalaboso ang binagsakan ng isang dating opisyal ng Land Transportation Office na may kasong robbery/extortion makaraang masakote ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa bahagi ng Quezon City, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni NBI Director Nestor Manta­ring, ang suspek na si Cerilo Almaden Avila, aka Atty. Avila, 51, ex-chief ng Law Enforcement ng LTO, at residente ng #24 Chessnut corner Orchids Street, West Fairview, Quezon City.

Sa ulat ni Head Agent Sixto Comia ng NBI-Intelligence Special Operations Divi­sion, nasakote si Atty. Avila matapos na ipagbigay-alam ng mga operatiba ng Pre­sidential Anti-Colorum/Kotong Task Force (PACKTAF) sa kinauukulan ang paki­kialam ng suspek sa operasyon ng nasa­bing task force sa EDSA-Muñoz, Quezon City laban sa mga kolorum na sasakyan.

Napag-alamang tinangka ng suspek na arborin ang mga drayber at sasakyang kolorum kung saan nagpapakilala itong opisyal ng LTO.

Sa beripikasyon ng NBI, nadiskubre na mayroong standing arrest warrant na inisyu ng Quezon City Regional Trial Court Branch 96 laban kay Atty. Avila sa kasong robbery/extortion. (Grace Amargo-dela Cruz)

AVILA

CERILO ALMADEN AVILA

DIRECTOR NESTOR MANTA

GRACE AMARGO

HEAD AGENT SIXTO COMIA

INTELLIGENCE SPECIAL OPERATIONS DIVI

KOTONG TASK FORCE

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LAW ENFORCEMENT

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with