^

Metro

Holdap: P.1-M payroll tangay

-

Tinatayang aabot sa P.1 milyong payroll ang iniulat na nalimas ng mga hol­daper mula sa mga kawani ng lending company kaha­pon ng madaling-araw sa Quezon City.

Sa himpilan ng Quezon City Police District-Station 4 (Novaliches), ipinag­bi­gay-alam ng mga biktimang sina Randy Lastimoso, at security guard na si Aldrin de Leon na kapwa traba­hador ng CNN Lending Company, ang naganap na insidente.

Nabatid na binabagtas ng mga biktima ang kaha­baan ng Quirino Highway sakay ng Nissan Frontier pick-up nang harangin at holdapin ng mga armadong kalalakihang sakay ng pulang  motorsiklo sa ba­hagi ng Forest Hills Subd. sa Brgy. Gulod, Novaliches.

Nakaamba na sanang paputukan ng shotgun ni de Leon ang isa sa dalawang holdaper subalit nag-jam ang armas nito kaya hindi na niya nagamit.

Hindi na nakapalag pa ang dalawa matapos tutu­kan ng baril ng mga suspek at tuluyang matangay ang dala nilang pera.

Kasalukuyan namang isinasailalim sa imbesti­gasyon ang naturang insi­dente upang mabatid ang pagkakakilanlan ng mga suspek at makatiyak na walang naganap na inside job. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

FOREST HILLS SUBD

LENDING COMPANY

NISSAN FRONTIER

NOVALICHES

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-STATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with