^

Metro

Manero lalaya ngayong linggo?

-

Lalaya na sa loob umano ng linggong ito ang sentensyadong si Norberto Manero na nakulong dahil sa pagpa­tay sa isang pari.

Nabatid na si Manero ay nakatakdang lumaya mula sa National Bilibid Prisons sa Muntinlupa City sa Enero 16.

Ilang beses nang ki­numpirma ni Public Attorneys’ Office Chief Atty. Precy Acosta na maka­kalaya na si Manero.

Ayon pa kay Acosta, nakumpleto na ni Manero ang serbisyo nito sa bilangguan. Bukod dito, nararapat na palabasin na rin umano si Manero sa piitan dahil sa hindi magandang kalagayan ng kalusugan nito.

Nabatid na si Manero ay nakulong sa NBP mula pa noong 1985 dahil sa pagpatay sa Italian priest na si  Tulio Favali sa Mindanao.

Sinasabing pinag­babaril hanggang sa mapatay ni Manero si Favali sa Tulunan, North Cotabato at kusang ini­wan ang bangkay ng pari sa isang national highway ng nasabing lugar noong dekada ’80.  (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

MANERO

MUNTINLUPA CITY

NABATID

NATIONAL BILIBID PRISONS

NORBERTO MANERO

NORTH COTABATO

OFFICE CHIEF ATTY

PRECY ACOSTA

PUBLIC ATTORNEYS

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with