^

Metro

Negosyante inambus

- Angie dela Cruz, -

Isang family driver ang napatay habang sugatan ang amo niyang negosyante at dalawa nitong pamangking babae nang tambangan at pagbabarilin sila ng mga armadong lalaki sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Agad na nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng krimen si Joel Castillo, nasa hustong gulang, stay-in driver, ng #25 Victoria Village, Barangay Canumay, Valenzuela City, dahil sa mga tinamong tama ng bala ng M-16 armalite rifle at kalibre .45 baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Kasalukuyan namang ginagamot sa Manila Central University Hospital ang negosyanteng si Alicia Ordinario, 48, mga pamangkin nitong sina Vannessa Ordinario, 16, at Jonavel Ojera, 18, pawang mga naninirahan din sa naturang lugar.

Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbesti­gasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagka­kakilanlan sa mga salarin.

Lumilitaw sa pangunang pagsisiyasat na, bandang alas-8 ng umaga, binabagtas ng mga biktimang lulan ng silver na Nissan Serena na may plakang ZER-258 ang panulukan ng P. Sevilla at D. Aquino Streets sa may 5th Avenue sa naturang lungsod nang bigla silang harangin ng mga suspek.

Agad na nirapido ng mga suspek ang sasakyan ng mga biktima dahilan upang agad na mamatay si Castillo habang nasugatan ang amo niyang si Ordinario at mga pamangkin nito.

Naglakad lamang sa pagtakas ang mga suspek pa­tungong 4th Avenue pagkatapos ng pamamaril.

Hanggang sa isinusulat ito, patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang motibo ng pananambang.

Nabatid naman na si Ordinario ay  minsan na ring tinam­bangan noong 2005 sa Barangay Maysilo, Malabon City at nakaligtas ito habang nasawi ang ibang ka­samahan niya.

vuukle comment

ALICIA ORDINARIO

AQUINO STREETS

BARANGAY CANUMAY

BARANGAY MAYSILO

JOEL CASTILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with