Malubhang nasugatan ang isang Barangay ex-official matapos itong pagtulungang barilin at saksakin habang naglalaro ng tong-its kamakalawa ng gabi sa San Andres Bukid, Maynila.
Kasalukuyang ginagamot sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Teofilo Soriano, 48, ng Brgy 779 Zone 8, District 5 ng 2418 Iridium st., San Andres Bukid.
Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang tatlong hindi nakikilalang suspek na armado ng baril, patalim at dos por dos na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Inaalam ng pulisya kung may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang Brgy Ex-O ang biktima o dahil sa paglalaro nito ng tong-its ang motibo sa pamamaril at pananaksak ng mga suspek. (Gemma Garcia)