Nursing student nagbigti

Bunsod umano ng ka­gi­pitan sa pag-aaral, mas pinili na lamang ng isang 2nd year-nursing student na magpatiwakal sa pa­mamagitan ng pagbibigti  kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Hinihinalang may ilang oras nang patay nang ma­diskubre ang bangkay ni Grace Ann Luces, 18,  2nd year Nursing student ng De Ocampo Memorial College ng 456 Maganda St., Sam­paloc, Manila.

Batay sa isinagawang imbestigasyon MPD-Ho­mi­­cide section, dakong alas-7 ng gabi nang ma­dis­kubre ang biktima na na­ka­bitin sa isang hang­ing ca­binet sa loob ng maid’s quar­ter sa 2nd floor sa 456 Maganda St., Sampaloc, Manila.

Ang biktima ay huling nakitang buhay kamaka­lawa ng gabi ni Wilma Caple, 31, katulong, nang iwan nitong natutulog sa 2nd floor ng  maid’s quar­ter ng condominium unit.

Pagbalik ni Caple sa con­dominium ay hindi ito makapasok dahil naka­sarado ang main gate nito hanggang sa dumating si Rico Romar, isa sa mga occupant sa 3rd floor ng condo unit. Pagdaan ng mga ito sa maid’s quarter ay na­kita ang biktima na naka­bitin ang leeg sa isang hanging cabinet.

Sa kabila umano na  mata­­taas ang grado ng biktima, posible umanong ang hindi makapagpapa­tuloy ng biktima sa kan­yang pag-aaral sa su­sunod na semester  dahil sa kaka­pusan sa pera ang posib­leng motibo sa isinagawa nitong pagpa­pakamatay.

Nabatid na umuwi ang biktima sa kanilang pro­bin­siya sa Albay kung saan kinumpirma ng kan­yang magulang ang ka­wa­lan nila ng kakaya­hang matustu­san ang kanyang pag-aaral. Ang tiyahin ng bik­tima ang nagpapaaral sa kanya at doon din tumu­tuloy sa ka­nilang condo­minium unit.

Gayunman, patuloy na iniimbestigahan ng pu­lisya kung may naganap na  foul play sa pagka­matay nito. (Grace dela Cruz)

Show comments