^

Metro

Maanomalyang koleksyon ng parking fees sa Maynila, nabunyag

-

Tatlong empleyado ng Manila  City Hall ang sinibak   sa  puwesto matapos  na mabunyag ang  pagkakasangkot ng mga ito sa sindikato  bunsod na  ng ma­anomalyang transaksiyon tungkol sa koleksiyon ng parking fees sa lungsod.

Pansamantalang  sinuspinde  ni Manila Mayor Alfredo Lim ng 60 araw    sina Suzanne Mempin ng Special Ope­rations Officer V; Antonio Dawis, Traffic Operation Officer II at Angel Dizon, Clerk II pawang nakatalaga sa  Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB). Bukod sa suspensiyon, sinampahan din ng ka­song kriminal at administratibo ang tatlo.

Lumilitaw sa records na  umaabot lamang sa  P5,422.50 ang naipasok sa  city treasury, samantalang  ang dapat na koleksiyon sa parking fee noong Hunyo 2006  hanggang Hunyo 2007 ay umaabot ng  P382,400. Ayon kay Lim may discrepancy o nawawala ang  halagang P376,977.50 sa koleksiyon para sa nasabing  taon.

Ayon kay Lim, lantarang pagna­nakaw  umano ang ginawa ng tatlo na hindi umano maaaring   balewalain  ng city government.

Iginiit naman ni Chief of  Staff Ricardo de Guzman na  simula pa lamang ito ng mga  mabubunyag na anomalya sa  parking fee sa Maynila dahil marami pa silang  iniimbestigahang empleyado at koleksiyon sa parking fees partikular sa mga establisimento.

Nabatid  na kasong falsification of public documents ang inihahanda laban sa tatlo dahil na rin sa pagta-tamper nila    ng mga resibo at malversation,   habang sa kasong administratibo ang mga ito ay  sasampahan ng  dishonest at grave misconduct.  (Doris Franche)

ANGEL DIZON

ANTONIO DAWIS

AYON

CITY HALL

DORIS FRANCHE

HUNYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with