Trader nangulila sa misis, nagbigti
Dahil sa labis na pangungulila sa kanyang misis, isang negosyante ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti, kamakalawa ng gabi sa
Nakilala ang nasawi na si Acok Villegas, 25, residente ng Blk. 9, Lot 15, Mulawin St., Bo. Sto. Niño ng nabanggit na lungsod ay patay na nang idating ng kanyang bayaw sa San Juan de Dios Hospital, matapos itong magbiti pasado alas-9 ng gabi.
Batay sa imbestigasyon, ang biktima ay natagpuan ng kanyang bayaw na si Salvador Tabilog, Jr., 29, residente ng Blk. 17, Lot 5, Lawaan St., Bo. Sto. Niño.
Bago ang pagpapakamatay , ilang araw nang napupuna ng mga kaanak na naging malulungkutin ang biktima dahil laging iniisip nito ang kalagayan ng kanyang anak at misis na umuwi sa
Nang puntahan umano ang biktima ng kanyang bayaw para alamin sana kung ito ay magbubukas ng kanyang pwesto sa palengke ay laking-gulat na lamang umano ng huli nang makita ang una na nakabitin sa roof top ng kanilang bahay at nakapulupot sa leeg nito ang isang nylon cord, habang ang dulo nito ay nakatali naman sa biga ng kisame.
Tinangka pa umano ng bayaw na sagipin ang buhay ng biktima kung saan ay agad nitong pinutol ang nylon cord na nakapalupot sa leeg nito at agad niya itong dinala sa naturang pagamutan, subalit binawian din ito ng buhay.
Maliban sa sugat sa leeg, walang nakitang anumang suicide note at ibang sugat sa katawan ng biktima, habang iniimbestigahan pa ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang naturang insidente kung nagkaroon ng foul play sa pagkamatay ng una. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending