Inaasahang todo puwersa ang ilalatag ng Manila Police District at ng Manila Traffic and Parking Bureau kaugnay ng taunang piyesta ng Poong Nazareno sa Quiapo bukas.
Ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, pinahihigpitan na niya ang pagbabantay sa paligid ng Quiapo church upang mabigyan ng sapat na seguridad ang mga deboto na pupunta sa simbahan madaling araw pa lamang bukas.
Sinabi ni Lim na ang southbound lane ng Quezon Blvd. ay magsisimulang isara dakong alas 11 ng tanghali habang mananatili namang bukas ang north-bound lane.
Ilan pa sa isasara sa trapiko ay ang Espana at Lerma mula sa P. Campa hanggang Q. Blvd.; Andulicia, Fugoso; Palanca at Estero Cegado; ang service road ng Isetann, C.M. Recto at southbound portion ng Q. Blvd., Legarda at San Rafael kabilang na ang P. Casal, Concepcion at Arlegui Sts.
Ang prusisyon ng imahe ng Black Nazarene ay ilalabas mula sa Quiapo church patungong Villalobos, C. Palanca, P. Gomez, Q. Blvd., Globo de Oro, Gunao, Arlegui, Fraternal, Vergara, Duque de Alba, Castillejos Formecio, Nepomuceno, Concepcion Aguila, Carcer, Hidalgo at Barbosa pabalik ng Basilica. (Doris Franche)