^

Metro

3 nag-check in sa hotel, ninakawan

-

Natangayan ng kalahating milyong pisong halaga ng mga ari-arian ang tatlong  kaba­ baihang Muslim sa isang kilalang hotel sa Maynila matapos na dumalo ang mga ito ng kasal ng kanilang ka­anak kamakalawa ng gabi sa Roxas Boulevard, Maynila.

Nakilala ang mga biktima na  sina Nadia Limpasan,  30; Sharita Warad, 29,  at Andrea De Mesa, 25, pawang mga nakatira sa No.1068 A. Sta. Clara  St., panulukan ng Batanes Extension, Sam­paloc, Maynila.

Batay sa isinagawang imbestigasyon  ng Manila Po­lice District-Theft and Rob­bery Section, ang insidente ay naganap sa pagitan ng alas 8:30 – 10:30 ng gabi  sa loob ng inuupa­hang kuwarto ng mga biktima sa Rm 615, Bayview Park Hotel, Roxas Boulevard, Ermita, Maynila. Ayon sa mga biktima, nag­tungo umano sila sa ika-sam­pung  palapag ng naturang hotel upang dumalo sa ika­kasal nilang kaanak doon at laking gulat na lamang nila ng pagbalik sa kanilang kuwarto ay  nakitang nakasambulat ang kanilang mga gamit.

Nadiskubre ng mga ito na nawawala na ang kanilang dalang laptop,  alahas, cash,  I-pod video  at iba pang per­sonal na gamit na nagka­ka­halaga lahat ng P500,000.00.

Anila, niransak umano ang pintuan ng kanilang   kuwarto.

Gayunman, malaki ang paniniwala ng pulisya na inside job ang nasabing na­kawan dahil na rin sa hindi pakikipag-ugnayan ng manage­ment ng nabanggit na hotel. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

ANDREA DE MESA

BATANES EXTENSION

MAYNILA

ROXAS BOULEVARD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with