^

Metro

Misis tiklo sa pekeng P1,000

-

Iniimbestigahan ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang posibilidad na may isang sindikato na nag­ka­kalat ng pekeng pera sa lungsod matapos na isang ginang ang madakip nang tangkaing ipalusot ang pekeng P1,000 nito sa naturang lungsod.

Nakilala ang nadakip na si Jonnalyn Dela Cruz, 31, obrero at residente ng #1764 Rotonda, Taft Avenue, Pasay City. Base sa ulat ng QCPD-Station 10, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi sa loob ng Red Ribbon Bakeshop na matatagpuan sa East Avenue sa nasa­ bing siyudad.

Nabatid na nagpanggap na kostumer ang suspek at bumili ng chocolate bread sa naturang establisyimento ngunit naging maagap ang kahera kung kaya’t nabuking ang pekeng perang ipambibili sana na nagkakahalaga ng P1,000.00.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang suspek para matukoy kung saan nanggaling ang pekeng pera at kung saan na ito nakaabot sa Metro Manila. (Danilo Garcia)

CITY

DANILO GARCIA

EAST AVENUE

JONNALYN DELA CRUZ

PASAY CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RED RIBBON BAKESHOP

TAFT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with