Balasahan sa LTO ikinasa
Ipapatupad ngayong darating na Lunes ng Land Transportation Office (LTO) ang pagbalasa sa kanilang mga regional directors matapos na sibakin sa kanyang puwesto ang hepe ng LTO Region 7 dahil sa pagkakasangkot sa iligal na pagpaparehistro sa mga luxury vehicles na pinaniniwalaang mga smuggled.
Sinabi ni LTO chief Reynaldo Berroya na ipinalabas na niya ang “re-assignment” ng ilang mga opisyal ng ahensya na epektibo ngayong darating na linggo.
Sa kabila nito, tila nawalan ng ngipin ang pagpapatanggal ni Berroya kay dating Region 7 director Alex Leyson matapos na ilipat lamang pala ito sa LTO-Region 8 kahalili si Director Raul Aqullos.
Matatandaan na patuloy na iniimbestigahan umano ng LTO-Security and Law Enforcement Service si Leyson dahil sa pagkakadiskubre ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) na sa LTO-Toledo ipinarehistro ang daan-daang luxury vehicles na nakumpiska sa isang repair shop sa
Kasama naman sa balasahan sina Region 7 Asst. Director Edgar Cabase na itinalaga sa LTO-Adjudication Board kapalit ni Atty. Jun Morente na inilipat sa opisina ni Berroya. Itinalaga naman si dating Region 6 Asst. Director Eric Cabale sa LTO-Law Enforcement Section. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending