^

Metro

Bala para sa ama, sinalo ng anak

- Danilo Garcia -

Sinalo ng isang 19-anyos na binatilyo ang bala na para sana sa kanyang ama maka­raang barilin ito ng kaaway na kapitbahay kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Nasawi dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa loob ng East Avenue Medical Center ang biktimang si Jonard Logronio, residente ng San Juan Bautista St., Brgy. Payatas, ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ngayon ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na si John Casiano, 28, obrero, at kapitbahay ng biktima.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, na­ganap ang pamamaril dakong alas-9:30 kamaka­lawa ng gabi sa naturang lugar. 

Bago ang insidente, na­una na umanong nagka­roon ng pagtatalo ang ama ng biktima at suspect. Ayon sa mga kaanak ng biktima, inawat lamang umano nito kasama ang kuya nito na si Jun-jun ang ama ngunit posibleng inakala ng suspek na pagtutulungan siya ng mga ito kaya umuwi ng bahay at bumalik armado na ng baril.  Tinamaan ang bik­tima sa likod ng bala buhat sa suspek na para sana sa kanilang ama.

AYON

CITY

JOHN CASIANO

JONARD LOGRONIO

PLACE

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

SAN JUAN BAUTISTA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with