^

Metro

Obrero hulog mula 4th floor ng condo

-

Nasawi ang isang 27-anyos na obrero matapos mahulog mula sa ginagawa nitong condominium nang  tamaan ito ng isang concrete slab mula sa umiikot na crane kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.

Namatay habang gina­gamot sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Joriel Agon­cillo, ng Manila executive corp (MEC) at residente ng 427 Agot st. Group 3 South Side Makati City.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide naman ang isinampang kaso laban kay Christopher Paga­dora, 37, crane operator ng MEC; Jose Mario Geralde, 44, site engineer ng MEC at Eduardo Pacuan, 40, lead­man ng Millenium Erector dahil sa pagkamatay ng biktima.

Base sa ulat, dakong alas-7:45 ng gabi nang maga­nap ang insidente sa ikaapat na palapag ng Cityland Condominium na matatagpuan sa 1200 Jorge Bacobo St., Ermita.

Nabatid na bago maga­nap ang insidente ay nasa 4th floor ang biktima at tatlo pang ’di nakilalang kasama­han nito na nagsisilbing taga-senyas sa crane kung saan may karga itong pre-cast na ilalagay sa ika-35th palapag ng ginagawang gusali.

Subalit nang umikot uma­ no ang crane ay tina­maan ang biktima at nawalan ng ba­lanse dahilan upang ma­hulog ito at kaagad na isugod sa ospital subalit hindi na ito na­isalba ng mga doktor. (Gemma Amargo-Garcia)

CHRISTOPHER PAGA

CITYLAND CONDOMINIUM

EDUARDO PACUAN

ERMITA

GEMMA AMARGO-GARCIA

JORGE BACOBO ST.

JORIEL AGON

JOSE MARIO GERALDE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with