Rambol sa frat party: 2 kritikal
Nasa malubhang kalagayan ang 2 lalaki makaraang magkaroon ng rambulan sa naganap na party kahapon ng madaling araw sa
Kinilala ang mga biktima na pawang nasa kritikal na kondisyon sa
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-12:10 ng madaling-araw habang nasa kainitan ng party ng fraternity na Magic 5 kung saan miyembro ang mga biktima sa nasabing lugar.
Nabatid na pawang mga lasing na ang mga ito kaya nagkaroon ng kulitan sina Lagaya at Donggan na humantong sa mainitang pagtatalo.
Sa gitna ng pagtatalo ay umuwi si Lagaya subalit ilang minuto ang nakalipas ay muli itong bumalik bitbit ang isang jungle bolo at nang makita si Donggan ay pinagtataga na lang bigla.
Dahil sa pangyayari ay pinagtulungan na ng iba pang nandoon si Lagaya at pinagsasaksak, dahil sa dami ng sumugod dito ay hindi na napansin kung sino ang sumaksak dito.
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para sa ikalilinaw ng kaso. (Edwin Balasa)
- Latest
- Trending