^

Metro

Mag-iina nasunog, grabe

- Rose Tamayo-Tesoro -

Malagim na Bagong Taon ang suma­lubong sa mag-iinang nasa kritikal na kon­disyon sa kasalukuyan makaraang ma­sunog ang kanilang tahanan at nadamay din ang iba pang kabahayan sa Barangay Sta. Cruz, Makati City kamakalawa.

Ang mga biktimang nasa intensive care unit dahil sa 3rd degree burn sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ay sina Caro­line Manti, mga anak nitong sina Angelica, isang buwang gulang at Angela, 3.

Sinasabing nagsimulang kumalat ang apoy sa tahanan ng mga biktima nang ma­tabig ang nakasinding kandila hanggang sa tuluyang nasunog ang buong bahay at madamay ang siyam na kabahayan.

Nabatid na tumagal ng isang oras ang nasabing sunog bago pa maapula ang apoy habang patuloy naman ang imbes­tigasyon ng mga awtoridad.

ANGELA

BAGONG TAON

BARANGAY STA

CARO

CRUZ

MAKATI CITY

MALAGIM

MANTI

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with