Rambulan: 18-preso sugatan

Aabot sa 18-preso ang iniulat na nasugatan maka­ra­ang magrambulan ang mga ito sa loob ng Calo­ocan City Jail sa pagsa­lubong sa Bagong Taon ka­hapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga suga­tang ginamot sa Caloocan City Jail infirmary na sina  Elizalde Bolivia, Macario Cabangot, Joey Tan, Ace del Rosario, Ryan Fernan­dez, Arnel Manuel, Alex San Andres at si Dennis Flores na may mga tama sa ulo at katawan.

Samantala, sa Tondo Medical Center naman ay sina Ronaldo Robles, Eduardo Balayan, Arnel Dumundon, Boyet Duran Ortencio, Ryan Silva, John Paul Baello,  habang sa President Diosdado Maca­pagal Medical Center (PDMMC) naman sina Joven Guevarra, Francis Metal, Ferdinand Zulueta at si Arnel Punden na may mala­lalim na tama ng mati­tigas na bagay sa ulo at katawan.

Ayon kay Supt. Michael Verdamo Jr. jail warden, na­itala ang riot dakong alauna ng madaling-araw kahapon kung saan nagsagupa ang magkalabang gang na Sputnik at Commando.

Hindi naman maipaliwa­nag ng mga guwardiya kung papaano nakalusot ang mga improvised weapons tulad ng pinatulis na kutsara, tinidor, sinsel, at screwdriver na ginamit sa rambulan na tumagal ng may 15-minuto.

Kasalukuyang iniimbes­tigahan pa ng Caloocan city Jail ang sanhi ng naturang riot subalit ayon sa isang inmate na nagsimula ang kaguluhan matapos na magbiro ng masama ang isa sa mga preso dahil sa walang dumadalaw na pamilya at kamag-anak.

Aminado naman si Supt. Verdamo na madalas na maganap ang riot kaya’t madalas nilang kinukum­piska ang mga matatalas na gamit ng mga preso subalit patuloy pa rin silang nalu­lusutan.  (Lordeth Bonilla)

Show comments