^

Metro

Computer shop hinoldap

-

Dahilan sa kagustuhang may maibiling pa­putok para sa pagsalubong ng Bagong Taon, pinasok ng isang 27 anyos na lalake ang isang computer shop at hinoldap ang isang kustomer nito ngunit minalas na maaresto ng mga awto­ridad sa lungsod ng Malabon kamakalawa.

Kaya naman sa kulungan na magdiriwang ng Bagong Taon ang suspek na si Richard Orteza, walang trabaho, pansamantalang nanunuluyan sa loob ng isang public cemetery sa lungsod.

Nabawi rin sa suspek ang isang Nokia 6103 cell phone na kinuha nito sa biktimang si Leo Pinson, 24, binata ng Villa Ralba St., Tinejeros sa lungsod.

Ayon kay PO2 Rommel Habig, imbesti­gador ng Station Investigation Unit ng Malabon Police, nangyari ang insidente dakong alas-9:50 ng gabi sa may i-scroll computer shop sa M.H. del Pilar, Tinejeros.

Naglalaro ng games sa computer ang biktima nang biglang pumasok ang suspek at nilapitan ang una, sabay deklara ng holdup gamit ang kutsilyo. (Ricky Tulipat)

BAGONG TAON

LEO PINSON

MALABON POLICE

RICHARD ORTEZA

RICKY TULIPAT

ROMMEL HABIG

STATION INVESTIGATION UNIT

TINEJEROS

VILLA RALBA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with