Misis binoga, mister nagpatiwakal
Muli na namang napatunayan na walang magandang maidudulot ang pagseselos matapos na mabaril ng isang mister ang kanyang asawa bago siya naman ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili kamakalawa ng hapon sa
Kinilala ni Supt. Sotero Ramos Jr., hepe ng Marikina police, ang nasawing suspek na si Joey Cacamando, empleyado, habang kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan ang asawa nitong si Evangeline, 33, empleyado ng Marikina City Hall at residente ng #50 Doña Aurora St., Brgy. Parang ng nasabing lungsod.
Sa imbestigasyon ni PO1 Nelson Cruz, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong ala-1 ng hapon nang magtalo ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay nang makita ng mister na nagbibihis ang kanyang misis at sinabing mayroon umano silang pasok sa OPSS dahil magkakaroon umano ng inspeksyon.
Hindi naman naniwala ang lalaki na humantong sa mainitang pagtatalo.
Sa gitna ng pagtatalo ay kinuha umano ng suspek ang kanyang baril at binaril ang kanyang misis na tinamaan sa kaliwang bahagi ng ulo.
Sa pag-aakalang napatay niya ito ay nagpakamatay din ito sa pamamagitan ng pagtutok ng sariling baril at iputok sa sentido.
Ang ipinagtataka ng pulisya ay kung bakit nawawala ang baril na ginamit sa krimen na posibleng itinago ng mga unang taong nakapasok sa loob ng kuwarto ng mag-asawa upang kunan
- Latest
- Trending
















