Nambugbog ng 14-anyos: Mayor inireklamo
Inireklamo kahapon sa Quezon City Police District ng isang 49-anyos na lalaki at isang 14-anyos na binatilyo ang isang alkalde ng Lanao del Sur dahil sa pambubugbog nito sa kanila sa isang insidente sa trapiko kamakalawa sa naturang lungsod.
Nakilala ang inireklamo na si Mayor Amenodin Sumagayan, residente ng #64 4th street, Marawi City habang nadakip naman ang driver nito na si Alimonan Usodan, 46, may-asawa at residente ng Poblacion East Lagawe, Ifugao Province.
Itinago sa alyas na Robin ang binatilyong biktima. Kinilala ang isa pa na si Gonzalo
Sa ulat ng QCPD-Station 10, naganap ang insidente dakong ala-1:30 kamakalawa ng hapon sa EDSA North bound sa may Brgy. Pinagkaisahan. Nabatid na nasanggi umano ng minamanehong bus ni
Dito bumaba si Usodan at nakipagtalo kay
Itinanggi ni Sumagayan ang mga akusasyon laban sa kanya at sinabing natabig lamang umano niya ang binatilyo at hindi binugbog. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending