December 30, 2007 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 21- anyos na empleyado ng isang kilalang hotel ng mga miyembro ng isang fraternity na kamag-anak umano ng mga opisyal ng barangay at dating nakaalitan ng kaibigan ng una sa Tondo Maynila. Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Alejandro Hilvano, empleyado ng Bayview Park Hotel. Patuloy namang pinaghahanap ang suspek na nakilala sa alias na “Buma”, may edad sa pagitan ng 20-22 anyos, may taas na 5’5’’ hanggang 5’6’’, kalbo ang gupit ng buhok at may tattoo sa katawan at isang alias Ferdie Mark o Mak-mak, tinatayang 20-22 anyos, may taas na 5’6 hanggang 5’7’’, kalbo ang gupit ng buhok. (Gemma Garcia)