Life hatol sa 4 na pusher

Hinatulan ng habambuhay na pagkakulong ng isang hukom ng Quezon City Regional Trial Court ang apat na Chinese national dahil sa pagbebenta ng kalahating kilo ng shabu.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency, ipinalabas ni Judge Fernando Sagun Jr. ng RTC Branch 78 ang naturang hatol laban kina Dy Chin Hu, Dexter Tan, Yu Go Bun at Choi Wen Nen.

Ito’y matapos na mapatunayang lumabag sila  sa Section 5 ng Republic Act 9165 o “sale of dangerous drugs”.  (Danilo Garcia)

Show comments