^

Metro

LRT maagang sarado

-

Inianunsyo kahapon ni Light Rail Transit Authority Administrator Mel Robles na mas maagang magsasara ang LRT Line 1 at 2 sa bisperas ng Ba­gong Taon.

Ayon kay Robles, ang last trip ng Line 1 na tatakbo sa Baclaran patungong Monu­mento station ay magsasara dakong alas-8:00 ng gabi habang ang Monumento patungong Baclaran station ay magsasara ng 8:30 ng gabi.

Ang last trip naman ng Line 2 mula Santolan patu­ngong Recto station ay isa­sara da­kong alas-7:30 ng gabi habang alas-8:00 naman ng gabi ang last trip ng biyaheng Recto patungong Santolan  station.

Paliwanag ni Robles na bukod sa gagawing pagtitipid sa kuryente dahil sa ina­asahang pagkaunti ng pasa­hero sa nasabing araw ay ma­giging mas malaking bentahe ang pagpapaikli ng oras gayundin ang pagkukumpuni ng mga tren at iba pang pasilidad para sa mas maayos na serbisyo pagpasok sa taong 2008. (Edwin Balasa at Lordeth Bonilla)

AYON

BACLARAN

EDWIN BALASA

INIANUNSYO

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY ADMINISTRATOR MEL ROBLES

LORDETH BONILLA

MONU

SANTOLAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with