^

Metro

Helper nagbigti

-

Nagpakamatay kahapon ng madaling-araw sa pama­magitan ng pagbigti sa sarili ang isang 22-anyos na binata makaraang damdamin nito ang hindi pagtupad sa pangako ng kanyang nobya na nasa abroad na tatawagan siya nito sa araw ng Pasko sa Marikina City.

Kinilala ang biktima  na si Marvin Ralph Pimentel, helper sa isang vulcanizing sa 54 Bayan-Bayanan Avenue kanto ng Bugallion st. Concepcion Uno ng nasabing lungsod.

Ayon kay P/Insp. Jose Ramilo Salazar, hepe ng Criminal Investigation Division ng Marikina Police, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-4:50 ng madaling-araw sa bakanteng lote na sakop ng nasabing vulcanizing.

Nabatid sa kasamahan nitong si John Carlo Siccuan 18, ilang minuto bago ang pagkakadiskubre niya ng nakabigting katawan ng biktima ay kinausap umano siya nito habang nagli­linis ng paligid ng vulcanizing shop at nagpaalam na mauuna nang matulog sa kanilang kuwarto.

Matapos na makapaglinis ay nagtungo si Siccuan sa bakanteng lote at laking gulat na lang nito nang matagpuan doon ang nakabigting katawan ng biktima gamit ang isang nylon cord na ipinulupot sa kanyang leeg at itinali sa nakausling kahoy.

Lumalabas sa imbestigasyon na naging malulungkutin ang biktima matapos na hindi tumupad sa pangako ang nobya nitong nasa ibang bansa na tatawagan siya ng nakaraang Pasko, mula noon ayon sa mga kasamahan nito na ilang beses nitong sinabi na mas gusto na lang niyang magpa­kamatay. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BAYAN-BAYANAN AVENUE

CONCEPCION UNO

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

EDWIN BALASA

JOHN CARLO SICCUAN

JOSE RAMILO SALAZAR

MARIKINA CITY

MARIKINA POLICE

MARVIN RALPH PIMENTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with