^

Metro

LPG tank sumabog, bebot todas

-

Isang babae ang nasawi makaraang sumabog ang may singaw na tangke ng Liquefied Petroleum Gas habang da­lawa pa ang malubhang na­sugatan kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Namatay habang gina­gamot sa Quezon City General Hospital ang 34-anyos na si Marlyn Castro, ng #205 Masagana Compound, Brgy. Bahay Toro Quezon City.  Gi­na­gamot naman sa natu­rang pagamutan ang dalawa pang biktima na sina Dominador Tubon, 29; at Edilberto Laraga, 44, kapwa residente rin ng naturang lugar.

Ayon kay SFO1 Renato Delamete, ng Quezon City Fire Department, dakong 5:45 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa mismong inuupahang apartment ng mga biktima.

Nagsasaing ng bigas si Tubon gamit ang uling na kalan habang binuksan naman ni Laraga ang kalan ng LPG upang mag-init naman ng tubig.  Dito nila napansin na sumisingaw ang tangke kaya agad na dinala sa banyo at binuhusan ng tubig.

Makaraang ang ilang sandali, dito na narinig ng mga  kapitbahay ang malakas na pagsabog.  Dito napuruhan ng apoy si Castro na naghuhugas naman ng  pinggan sa kusina habang nalapnos naman ang bahagi ng katawan nina Tubon at Laraga.

Matatandaan na unang sumabog rin ang isang LPG tank sa isang laundry shop sa Kamias Road, may apat na araw na ang nakararaan na ikinasugat ng isang babae. (Danilo Garcia)

BAHAY TORO QUEZON CITY

DANILO GARCIA

DITO

DOMINADOR TUBON

EDILBERTO LARAGA

KAMIAS ROAD

LARAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with