Sabog ang bungo ng isang 19 -anyos na lalaki matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong suspect sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang biktima na si Jove Morales at residente ng #049 Katipunan St. Brgy. Commonwealth ng nasabing lungsod. Bandang alas-2:40 ng madaling-araw ng maganap ang pamamaslang sa biktima sa tapat ng #157 Bicol St. kanto ng Leyte St. sa naturang lugar.
Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang nakikipag-kuwentuhan ang biktima sa kanyang mga kaibigan nang lapitan ng dalawang suspect na aramado ng mga baril at saka pinaulanan ng bala ng baril ang una. Mabilis namang nagsitakas ang mga suspect matapos ang isinagawang pamamaril.
Nagsasagawa na ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy at mapanagot sa batas ang mga suspect. (Joy Cantos)