Checkpoints ilalatag sa MM

Umpisa ngayong araw,  magpapakalat   ng checkpoints ang  National Capital Region Po­lice Office (NCRPO) sa kalak­hang Maynila upang ha­rangin ang pagpasok ng mga ilegal na paputok at mga ele­mentong kriminal bilang pag­bibigay segu­ridad sa mamama­yan kaugnay ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Ito ang inihayag kahapon ni NCRPO Chief director Geary Barias na nagsabing ang  mga checkpoint ay kanilang ilalatag sa lahat ng mga strategic point  sa Metro Manila upang hara­ngin ang pagpupuslit ng papu­tok sa Metro Manila partikular na ng mga ilegal na firecracker.

Gayundin laban sa mga ele­mentong kriminal na posibleng magsamantala kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Simula ngayong araw (Bi­yernes) hanggang Disyembre 31 ng hatinggabi ay ilalatag ang check point sa tulong ng limang Police District sa Metro Manila.

Ayon sa opisyal, mahigpit ang isasagawa nilang operas­yon laban sa mga bawal na paputok upang maiwasang madagdagan ang mga biktima nito partikular na ang mga inosenteng kaba­taan at mga paslit.

Inihayag din ni Barias  na mahigpit nilang ipagbabawal ang pagsusunog ng gulong sa pag­salubong sa Bagong Taon. Sa­mantalang mahigpit ring ipag­­babawal sa lahat ng mga opisyal at miyembro ng PNP at AFP ma­ging sa mga sibilyan ang pag­papaputok ng baril sa nasabing okasyon. (Joy Cantos)

Show comments