^

Metro

Parak pinamaskuhan ng bala ang kaalitan

-

Bala ang ipinamasko  ng isang pulis sa matagal na nitong kaalitan kamakalawa ng gabi sa Quezon City. Ginagamot nga­yon sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Louie Maki­nag, 20, estudyante at residente ng Mapagbigay St. Brgy. Pinyahan sa nasabing lungsod.

Nakilala naman ang suspect na parak na si Johanes Frias miyembro raw ng Philippine National Police-Special Action Force(PNP-SAF) na agad na tumakas  ma­tapos isagawa ang krimen.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Station 10 naganap ang insidente alas-10:30 ng gabi sa may Matapang St. sa nasabing barangay na doon nagkita umano ang dalawa at naungkat ang  matagal na nilang alitan. Dito agad na binunot ng suspek ang kanyang cal.45 at pinaulanan ng bala ng baril ang biktima. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

EAST AVENUE

JOHANES FRIAS

LOUIE MAKI

MAPAGBIGAY ST. BRGY

MATAPANG ST.

MEDICAL CENTER

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-SPECIAL ACTION FORCE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with