^

Metro

Pero walang bagyo: MM 2 araw pang uulanin

-

Tiniyak ng pamunuan ng Phil. Athmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na dalawang araw pang makakaranas ng pag-uulan sa bansa.

 Ito ang inihayag ni Bobby Rivera, weather fore­­caster ng PagAsa kahapon na ito umano ay dahil sa tail end ng cold front at hindi dahil sa bagyo. Partikular na nakaranas ng pag-ulan ang Metro Manila at posible pa umanong tumagal ito ng dalawang-araw.

 “Wala tayong bagyo sa Philippine area of responsibility. May tail end ang  cold front na nakakaapekto sa Luzon. Sa Visayas at Mindanao naman, ang inter-tropical convergence zone”,  pahayag ni Rivera.

 Ang buong  Metro Manila anya at ang sila­ngang bahagi ng Luzon ay parehong maka­karanas ng maulang panahon sa susunod na dalawang-araw. Una nang tinaya ng PAGASA ang isang mainit na Pasko at maaaring magpatuloy hanggang New Year. Sa Metro Manila naman ay makakaranas ng temperaturang mula 21 hanggang 33 degress celcius sa susunod na limang araw. (Angie dela Cruz)

ATHMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

BOBBY RIVERA

LUZON

METRO MANILA

NEW YEAR

SA METRO MANILA

SA VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with