^

Metro

Dalagita bugbog-sarado sa ex ng nobyo

-

Masalimuot na Pasko ang sinapit ng isang dalagita matapos na pagbubugbugin ito ng dating  nobya ng kanyang kasintahan kamakalawa  sa lungsod Caloocan .

Duguan at may mga bukol sa noo at ulo nang magtungo sa Women’s and Children’s Concerned Desk (WCCD) ng Caloocan City Police ang biktimang itinago sa pangalang Grace, 17, taga Block 38 Lot 8 Phase 3 Sabalo Street upang pormal na sam­pahan ng kaso ang suspek na si Jenny Paclihan, 20, ng #7 Block 39, Salay-Salay St., Kaunlaran Village, kapwa ng nabanggit na lungsod at umanoy ex-girlfriend ng boyfriend ng biktima   na nakilalang si Randy.

Ayon sa sinumpaang salaysay ng biktima, dakong alas 2:00 ng hapon, habang nakaupo umano sila sa isang lilim na lugar sa Salay-Salay Street, Kaunlaran Village  kasama ang boyfriend nitong si Randy nang mula sa likuran ng dalagita ay dumating ang suspek.

Bigla na lang umano siyang sinabunutan at nginudngod sa sementadong kalsada at pinag-uuntog pa sa hindi malamang kadahilanan.

Natigil lamang ang pananakit sa kanya ng suspek nang awatin ni Randy ang dating kasintahan at sapilitang itinulak na naging dahilan upang makawala ang biktima.

“Hindi ko po talaga alam ang dahilan dahil hindi ko naman siya kaaway. Lalong hindi ko naman po inagaw sa kanya ang boyfriend ko dahil bago ko sagutin si Randy ay sinabi nitong break na sila”, pahayag ng biktima.

Si Paclihan, ay inanyayahan sa pulisya upang marinig ang tunay na dahilan kung ano ang tunay na motibo ng pananakit nito sa biktima subalit hindi ito sumipot kung kaya’t tuluyan itong sinam­pahan ng kasong physical injuries. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CALOOCAN CITY POLICE

CONCERNED DESK

JENNY PACLIHAN

KAUNLARAN VILLAGE

LORDETH BONILLA

SABALO STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with