^

Metro

Binatilyo patay sa kagawad

-

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 16-anyos na binatilyo ng isang ba­rangay kagawad sa hindi malaman na kada­hilanan habang naglalakad ang grupo ng una sa Sta. Ana, Maynila.

Binawian ng buhay bago pa man idating sa Ospital ng Makati ang biktimang nakilalang si Rafael Joseph Nino Es­ guerra, high school student, ng 2034 Za­mora Ext. Sta. Ana, May­nila dahil sa tina­mong tama ng bala sa kanang bahagi ng kanyang ulo.

Kinilala naman   ang suspect na si Percival Gomez Sr., alyas “Percy”, 51, may-asawa, Kagawad ng Brgy. 733 Zone 85, District 5 ng Sta. Ana, Maynila.

Dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang naturang pamamaril sa grupo ng biktima habang sila ay naglalakad sa panulukan ng Liwayway at Zamora Sts., Sta. Ana, Maynila nang biglang sumulpot ang suspect kasama ang hindi nakikilalang lalaki sabay bunot sa dalang baril at pinaputukan ang grupo ng nasawi.

Napuruhan naman ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito. Mabilis na tumakas ang suspect matapos ang isinagawang krimen. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

BINAWIAN

BRGY

CRUZ

DAKONG

KAGAWAD

MAYNILA

PERCIVAL GOMEZ SR.

RAFAEL JOSEPH NINO ES

ZAMORA STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with