^

Metro

200 paslit dinampot, habang nangangaroling

-

May 200 mga paslit na na­nga­ngaroling ang pinagda­dam­pot ng mga tauhan ng Que­zon City Police District (QCPD) sa iba’t ibang lugar sa lungsod si­mula nitong bisperas ng Pasko. Ngunit sa halip na paru­sahan, bi­ nig­yan lamang pala ng pa­mas­ko ng pamunuan ng QCPD ang naturang mga bata nang dalhin ang mga ito sa him­pilan ng pulis­ya sa Camp Kari­ngal sa Sikatuna Village, ng naturang lungsod.

Sinabi ni QCPD Director Sr. Supt. Magtanggol Gatdula, na ang pagdampot sa mga batang nangangaroling sa mga kalsada lalo na ang mga sumasampa sa mga pampublikong sasakyan ay kanilang paraan upang mailayo ang mga ito sa kapahamakan at kanila ring paraan para ma­big­yan ng aginaldo ang mga ito.

Pag­dating sa Camp Ka­ringal, pi­nakain at binigyan ang mga bata ng mga regalong laruan hang­gang sa mga damit upang ma­sayang maiuwi sa kanilang mga taha­nan sa halip na pagkakitaan ang pana­hon ng Pasko.

Maayos namang pinauwi ng pulisya ang mga bata matapos ang pagbi­bigay ng aginaldo. Pinaalala­hanan naman ni Gatdula ang mga ma­gulang ng mga bata na maging responsable at alagaan ang kanilang mga anak dahil sa lubhang mapanganib ang pa­nga­ngaroling sa mga sasakyan sa kalsada na maaaring mag­dulot ng trahedya sa halip na kasiyahan. (Danilo Garcia)

CAMP KARI

CITY POLICE DISTRICT

DANILO GARCIA

DIRECTOR SR. SUPT

MAGTANGGOL GATDULA

PASKO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with