^

Metro

74-anyos na lola tigok sa motel

- Ni Grace Amargo-Dela Cruz -

Bunsod umano ng sobrang pananabik, hindi na makuku­hang magdiwang ng Kapasku­han ng isang 74-anyos na lola makaraang  atakihin ito sa puso na kanyang ikinamatay habang nakikipagtalik umano sa hindi nakilalang lalaki sa loob ng isang Lodging Inn sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Fely Mallari, 74, hindi nabatid ang tirahan, nakaputing damit na may nakasulat na “Boysen”, naka­suot ng pulang short pants at violet na sandals at walang saplot na pang-itaas nang matagpuan.

Batay sa isinagawang im­bestigasyon ni  Det. Jay Santos ng Manila Police District (MPD) homicide section, nadiskubre ang hubad na katawan ng bik­tima dakong ala-1:45 ng mada­ling-araw  sa loob ng Room 104, Dragon’s Den Lodging Inn sa 632 Trinidad St. Sta. Cruz.

Ang biktima at ang hindi nakikilalang lalaki ay nag-check-in umano sa nabanggit na motel dakong alas-11:30 ng gabi.

Ilang oras umano ang naka­raan ay kinatok na ng roomboy ang pinto ng kuwarto ng biktima upang ipaalam sa mga ito na tapos na ang kanilang oras.

Bunsod nito’y naglakas loob ang roomboy na buksan ang pinto at laking gulat na lamang nito nang makita ang biktimang nakahiga sa kama at patay na. Naging palaisipan sa pulisya ang naturang insidente dahil walang nakakitang lumabas sa nabanggit na lugar ang lalaking kasama ng biktima sa loob ng kuwarto.

Nabatid na magdiriwang din sana ng kanyang ika-75 na ka­arawan ang biktima ngayong Pasko  kaya’t napagdesisyunan umano nito na ipagdiwang ka­sama ang kanyang hindi nakila­lang nobyo sa lodging inn.

Ang labi ng  biktima ay dinala naman sa Popular Funeral Parlor para sa awtopsiya nito kung may naganap na foul play.

BUNSOD

CRUZ

DEN LODGING INN

FELY MALLARI

JAY SANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with