Buntis binoga sa ulo
Namatay matapos barilin sa ulo ang isang buntis habang kritikal naman ang mister nito na nagtamo rin ng tama ng bala sa may estero, na tinaguriang ‘Little Vietnam” sa Quiapo, Maynila kahapon ng hapon.
Batay sa sketchy report ng Manila Police District, ang namatay ay nakilala lamang sa pangalang Mercy Bandao at ang asawa nito na nakikipaglaban pa kay kamatayan ay kinilalang si Ismael, 29, na nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center.
Isang follow-up operation ang isinasagawa ng Manila Police District-Station 3 upang matukoy ang moibo at madakip ang mga salarin.
Nabatid na ang insidente ay naganap dakong
Naglalakad umano ang mag-asawa nang malapitang barilin ng salarin.
Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang mag-asawa ngunit binawian na ng buhay ang ginang.
Pinaniniwalaang may kinalaman din sa iligal na droga ang dahilan ng pamamaril. Base na rin ito sa mga ulat na ang nasabing lugar ay ‘pugad’ ng mga bigtime drug trafficker na pumapatay ng mga hindi nakapagbabayad sa kinuhang consignment na droga partikular ang shabu. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending