^

Metro

Umawat sa LQ, bading inatado

- Ni Grace Dela Cruz -

Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 29-anyos na beautician ng nobyo ng ka­ibigan nito mata­pos na mama­gitan sa away ng mag-lover sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Namatay habang ginaga­mot sa United Doctors Medical Center (UDMC) ang biktimang nakilalang si Jonathan Uta­nes, alias “Jona”,  stay-in beau­tician sa Ronald Salon The Epitome of Excellence na matatagpuan sa 806 Blumen­tritt corner Sto Tomas St., Sam­paloc, bunsod nang tina­mong mga saksak sa katawan.

Ginagamot din sa natu­rang ospital ang may-ari ng salon na si Ronald delos Santos, 39, binata sanhi ng saksak sa katawan.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na boyfriend ni Delos Santos na inilarawang may taas na 5’7’’, semi-kalbo, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng kulay itim na t-shirt at faded maong.

Sa report ni Det. Rommel Del Rosario, may hawak ng kaso at nakatalaga sa Manila Police District (MPD)-Homi­cide Section, dakong alas-3:30 ng ma­daling-araw nang naganap ang insidente sa loob ng Ronald Salon. 

Sinasabing dakong alas- 11:40 ng gabi nang dumating si Utanes, isang Romy Agela, 32, beautician at suspek sa na­sabing salon.

Umalis si Agela dakong alas-12:30 ng madaling-araw ga­yunman, nag­paiwan ang sus­pek at hinin­tay na magsara ang salon.

Humihingi umano ng pera ang suspek sa boyfriend nitong si Ronald subalit tumanggi umanong magbigay na nauwi sa mainitang pagtatalo. Nama­gitan umano si Utanes na lalong ikinainis ng suspek kaya’t nag­labas ito ng patalim at walang sabi-sabing pinag­sa­saksak ito.

Pinigil naman siya ng kan­yang boyfriend subalit siya naman ang binalingang pag­sa­saksakin.

Matapos ang pananaksak ay tumakas ang suspek at sa di kalayuan ay hinubad umano nito ang kanyang pantalon at iniwan ito upang hindi siya makilala.

Bago tumakas ang suspek ay tinangay pa umano nito ang isang  cellphone, isang IPOD at wallet na naglalaman ng di mabatid na halaga ng cash ng mga biktima.

vuukle comment

DELOS SANTOS

JONATHAN UTA

MANILA POLICE DISTRICT

ROMMEL DEL ROSARIO

ROMY AGELA

RONALD SALON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with