^

Metro

Motorsiklo sinalpok ng dump truck

-

Namatay ang isang ginang habang nasa kritikal na kundisyon ang anak nito makaraang mahagip ng rumaragasang dump truck ang kinalululanan nilang motorsiklo kahapon sa Common­wealth Ave., Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa FEU Gen. Hos­pital si Elsie Malin, 35,  ng Blk 10, Lot 97 Kasig­lahan Village, Rodriguez, Rizal dahil sa tinamong malubhang pagkabagok ng kanyang ulo.

Habang ang anak nitong si Josephine, 4   ay nakaratay sa naturang pagamutan dahil sa tinamong malalim na sugat at mga galos sa katawan.

Base sa report ni SPO1 Edgardo Talacay, may hawak ng kaso, dakong ala-1:30 ng hapon kahapon nang maganap ang sakuna sa kahabaan ng Litex Road, Brgy. Commonwealth, Lungsod Quezon.

Galing umano sa Montalban ang mga biktima lulan ng   SYM motorcycle ZR-2944   na mina­maneho ng ama na si Quirino Malin, 46, patungo sa direksiyon ng Commonwealth Avenue.

Ngunit bago sumapit ang motorsiklo sa Litex Road papalapit sa Commonwealth Ave., bigla na lamang sumalubong ang humahagibis na dump truck na may plakang WFV - 224 na minamaneho ni Roderick Mata, 34, at nahagip ang mga biktima. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ADDRESS

COMMONWEALTH AVE

COMMONWEALTH AVENUE

EDGARDO TALACAY

ELSIE MALIN

LITEX ROAD

STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with