^

Metro

Binatilyo nagbigti sa puno

-

Isang binatilyo ang natagpuang  bangkay makaraang magbigti  sa isang punongkahoy sa gilid ng terminal ng jeep sa lungsod ng Quezon City. Nakilala ng mga awtoridad ang nasawi na si Manuel Reyes, 16, at residente ng Pritil, Tondo, Maynila. Ayon sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong alas-5 ng umaga sa paradahan ng dyip sa dating Pantranco terminal na matatagpuan sa Quezon Ave. sa nasabing siyudad. Nabatid na nakita ng mga tsuper ng jeep na pipila sa terminal ang bangkay ng biktima na nakabitin sa puno kung saan nakapulupot ang isang tali sa kanyang leeg. Masusi pa ring sinisiyasat ng mga awtoridad kung ano ang nagtulak sa biktima para kitlin niya ang kanyang buhay habang hindi naman isinasaisantabi ang posibilidad na may foul play sa insidente. Base sa pag-aaral, pinakamaraming naita­talang insidente ng pagpapakamatay ang Philippine National Police sa buwan ng Disyembre dahil sa depresyon dulot ng kahirapan at pangungulila sa mahal sa buhay.  (Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

DANILO GARCIA

DISYEMBRE

ISANG

MANUEL REYES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON AVE

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with